May 11, 2023 | Thursday
Ang Diyos Ay Supportive
Today's verse: 2 Chronicles 16:7-9a – ASND
Nagmamasid si Yahweh sa buong daigdig upang tumulong sa lahat ng tapat sa kanya.
Read: 2 Chronicles 16
Ang Diyos ay sobrang supportive sa mga tao na ang naisin ay gawin ang kalooban Niya.
Si Propeta Hanani ay naatasan ng Diyos na iparating sa kanyang hari na si Asa ang di magandang balita. Ang balita ay ang hinaing ni Yahweh sa pagtalikod ni Haring Asa sa Diyos. Mas nagtiwala ang hari sa kanyang kapwa hari. Dumating sa punto na ang Hari ng Judah ay tumigil sa pagtitiwala at pagsunod sa Diyos. At siya ay nakipag-ugnayan sa tao para humingi ng tulong. At sa pangyayari ay nabalewala ang Diyos at ang kanyang kalooban. Ito ay nakakalungkot na pangyayari. Nabalewala ang pagiging supportive ng Diyos.
Ang Biblia ay puno ng mga kwento kung gaano ka-supportive ang Diyos. Ang kwento ayon sa 2 Chronicles 16 ay isang kwento mula sa Biblia na nagawa pa rin na talikuran ng tao ang Diyos – kahit sa kalagitnaan ng pagiging supportive ng Diyos. Anuman ang mga negatibong pangyayari ng pagtalikod ng tao sa Diyos, hindi nito binabalewala ang pagiging supportive ng Diyos. Napakasupportive ng Diyos sa tao. I think, ito ang isa sa mga napakagandang katangian ng Diyos na dapat mas malaman ng mga tao. Pansinin ang sinabi ng biblia, “Nagmamasid si Yahweh sa buong daigdig upang tumulong sa lahat ng tapat sa kanya.”. Ito ang pagiging supportive ng Diyos sa mga taong tapat sa Kanya.
Isapuso ang pagiging supportive ng Diyos. Unawaan ito at i-mamaximize ito ng mga anak ng Diyos. Dapat ma-motivate ng tao ang kanyang sarili sa katotohanang napaka-supportive ng Diyos. Dapat ma-inspire tayo sa kung gaano ka-supportive ang Diyos. Ating alamin kung ano ang ipinapagawa ng Diyos sa ating buhay. Ang buong suporta ng Diyos ay doon lamang matatagpuan.
Aming Diyos Ama, ikaw ang Diyos na nakapa-supportive. Salamat po at lagi kang nakamasid. Totoo talaga na di mo kami iiwan at pababayaan. Kaya hiling ko po na ang puso ko ay lalo pang maialay sa iyo. Huwag Mo pong hayaan na mas umasa ako sa tao kesa sa Iyo. Ngayon pa laman, ang puso ko ay ibaling mo patungo sa Iyo at sa Iyong kalooban.
Nagtitiwala po ako sa Iyo. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Balikan ang 2 Chronicles 16:9a. Bakit nakamasid si Lord sa buong daigdig?
Paano mangyayari na mas nagtitiwala ang tao sa sa Diyos?
Ano ang kinalaman ng kalooban ng Diyos sa pagiging supportive ng Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions
Ang Panalangin Laban Sa Kasawian At Pasakit
May 9, 2023