May 12, 2023 | Friday

Paghahanda Para Sa Tamang Pagsamba

Today's verse: Ezra 1:3,5 – ASND

3 Kayo na kanyang bayan, patnubayan nawa kayo ng inyong Diyos sa pagbabalik ninyo sa Jerusalem upang muling maitayo roon ang Templo ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang Diyos na sinasamba sa Jerusalem. … 5 Bilang tugon, agad na nagsipaghanda ang mga pinuno ng mga lipi ng Juda at Benjamin, gayundin ang mga pari at ang mga Levita, at ang mga iba pang inudyukan ng espiritu ng Diyos upang muling itayo ang Templo ni Yahweh sa Jerusalem.


Read: Ezra 1

Ang tunay na pagsamba ay nagmumula sa tamang paghahanda.


Sa matagal na panahon, walang tamang pagsamba ang mga Israelita. Maraming kadahilanan kaya ito nangyari. At ang pinaka-ugat ay ang mga ninuno ng Israel ay sumuway sa mga utos ng Diyos dahil sa pagsamba sa dios-diosan. Na-exile sila sa Assyria at sa Babylon at nadamay na lamang ang mga next generation. Dumating ang panahon na sa habag ng Diyos ay binigyan niya muli ng pagkakataon na ang mga Israelita ay manumbalik sa tamang pagsamba. Sa talata ng Ezra 1:3,5 ay mababasa ang mga paghahanda tungo sa tamang pagsama.


Sa ating panahon, naisin pa rin ng Diyos na hindi makaligtaan ng mga tao ang tamang pagsamba. Nakakalungkot man sabihin, pero dumarami ang mga taong hindi nabibigyan halaga ang tamang pagsamba sa tunay na Diyos. Laging may kaabalahan o kadahilanan. Kumbaga parang may laban sa isip at puso sa pagitan ng ‘comfortable worship’ or ‘sacrificial worship’. Ang ‘sacrificial worship’ ay paglaan ng special na oras natin para sa pagsamba. Ito ay ayon sa utos at alituntunin ng Panginoon Diyos. Ang ‘comfortable worship’ ay kung kelan lamang available ang tao at kung hindi siya busy. Ito ay ayon sa sariling palagay ng may katawan at kung comfortable siya. 


Ating pansinin na ‘there is no worship if there is no sacrifice’. Hinahamon ang mga tao hanggang sa panahon natin ngayon tungo sa tunay na pagsamba. Kailangan natin paghandaan ang pagsamba. Nararapat na handa ang ating mga puso. At nakakagaang isipin na ang Banal na Espiritu ang nangugungusap at nag-uudyok para gawin natin ang paghahanda sa tunay na pagsamba.

Aming Diyos Ama, salamat sa iyong Espiritu Santo na nangungusapa at nag-uudyok sa amin pra sumamba sa Iyo ng nararapat at may paghahanda. Salamat na ang iyong mga Anak na si Hesus at kami ay may ‘access’ sa tunay na pagsamba. Aming Panginoon, linawin mo sa aming puso kung ano ang kaibahan ng ‘comfortable worship’ sa ‘sacrificial worship’. Tulungan mo kami sa level pa lamang paghahanda tungo sa tunay na pagsamba.

Ikaw ang aming sinasamba. Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions