November 14, 2023 | Tuesday

Ang Tanging Dahilan Na May Utang Ang Diyos

Today's verse: Proverbs 19:17‬ ‭(MBBTag)

Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.


Read: Proverbs 19

Ang Panginoon ay isang matuwid na Diyos kaya tiyak na babayaran Niya tayo sa Kanyang pagkakautang dahil sa pagtulong sa mahihirap.


Itong chapter 19 Ng Proverbs ay naglalaman ng mga verses na may iba-ibang topic. Kakaiba ang verse 17 dahil may sinabing may utang ang Diyos sa mga tumutulong sa mahirap. Ipinapahiwatig na hindi gantimpala ang ibabalik ng Diyos sa tumutulong sa mahirap ngunit kabayaran sa pagkakautang ng Diyos. 


Ang Diyos ay makapangyarihan. Walang makahihigit sa kanya. Lahat ng bagay ay nagmula sa kanya. Ngunit paano nagkautang ang Diyos sa mga namimigay sa mahihirap? Dahil lang ba ito sa gusto lang ni Lord magreward dahil gumawa ka ng magandang gawain? Para sagutin ang tanong bakit magkakautang ang Diyos sa nagbibigay sa nangangailangan ay dahil responsibilidad ng diyos na magprovide. Responsibilidad Ng Diyos na magprovide sa ministry niya. Responsibilidad Ng Diyos na mag-provide sa may pangangailangan. The Bible specifies that it is a debt rather than a reward. Ang pagiging mahirap ay ang pagiging nangangailangan. Lahat ay may pangangailangan. Ang church ministry ay may pangangailangan. Ang ating kapitbahay ay may pangangailangan at marami pang iba. 


It is a privilege na umayon sa pananaw na pautangin ang Diyos. Huwag po tayong matakot na magbigay tulong sa iba dahil hindi kinukulang sa yaman ang ating Panginoon na para bang hindi Siya makakabayad sa pagkakautang Niya sa iyo. Marapat din nating tandaan na nagtatake responsibility lang si Lord sa mga bagay na Kanya. His ministry, His responsibility. If your life is his you are his responsibility. Ang mga bagay-bagay ay magiging responsibilidad lang natin kung Hindi ito sa Diyos.  If your life is his, therefore it's his responsibility. 

Panalangin:

Panginoon, naniniwala po ako na Ikaw Ang Diyos na walang hanggan. Lumalapit po Ako sayo naghahangad na bigyan mo Ako Ng pusong mapagbigay. Pusong nagsasaya sa pagbibigay dahil ito po ay Isang privilege na magkakautang ka sa Amin. Ako po ay nanalangin sa pangalan ni Jesus, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Romans 7-9

 Written by: Razel Mae Medina

Read Previous Devotions