November 13, 2023 | Monday
Ang Panalanging May Pagpapasakop
Today's verse: Matthew 26:42 (MBBTag)
Muli siyang lumayo at nanalangin, “Ama ko, kung hindi po maaaring maialis ang kopang ito malibang inumin ko, mangyari nawa ang inyong kalooban.”
Read: Matthew 26
Ang makadiyos na pananalangin ay hindi kompleto kung walang pagpapasakop at pagsunod sa kalooban ng Diyos.
Si Jesus ay nagpasakop sa kalooban ng Diyos. Kapansin-pansin na hindi naging ganon kadali para kay Jesus ang pagpapasakop sa kalooban ng Diyos. Bilang tao, may naisin siyang huwag nang mahirapan. Ganunpaman, nagawa Niya ang sa palagay niya'y mahirap na pagsunod. Naging posible and imposible. Sa dulo ng buhay ni Jesus Christ, nagampanan niya ang mga nasa kaniya'y nakatalagang gawain. Si Jesus ay nagpasakop sa kalooban ng Diyos Ama.
Napakahalaga na nagpapasakop ang isang tunay na Kristiyano sa kalooban ng Diyos. Katulad ni Jesus, may saloobin din tayo na umiiwas sa situwasyong nagpapahirap sa atin. Ito ay realidad na meron tayong human side na gustong gawin kung ano ang gusto nating gawin. Sa ibang salita, yun masunod natin ang sarili nating kalooban laban sa kalooban ng Diyos. Malungkot mang sabihin, ngunit ito ay nanggagaling sa pananaw na gusto nating nasusunod ang ating sariling buhay. For sure, meron pa rin bahagi ng ating buhay ang kailangang ipasakop sa kalooban ng Diyos.
Unawain natin ang naging kalalagayan ni Jesus dahil sa pagsunod at pagpapasakop sa Diyos Ama. Ito ay nararapat. Ang sakiripisyong ito at nakaliligtas. Paglaanan natin ng sapat na pang-unawa kung anong situwasyon ang meron tayo ngayon. Alamin kung ano pang area ng buhay natin ang kailangan ipasakop sa Diyos. Magpakumbaba. Umamin sa ating pagkakamali o pagkukulang. Matutong magsakripisyo bilang pagsunod sa Diyos. Alalahanin na maliit o malaki man ang ating mga sakripisyo, may kabutihan itong idudulot sa karamihan at sa pangkalahatan.
Panalangin:
Diyos Ama, sa pangalan ni Jesus ako ay lumalapit sa Iyo. Basbasan Mo ako ng iyong Espiritu Santo para ako ay makapamuhay ng may pagpapapasakop sa Iyo. Maluwalhati ka sa aking naiisip at naisasagawa.
Ikaw ang aking Gabay. In Jesus’ Name, Amen.
Pagninilay:
Ayon sa talata ng Matthew 26:42, ano pakahulugan ng mga salitang “mangyari nawa ang Inyong kalooban.“
Bakit nagawa ni Jesus na magpasakop at sumunod sa kalooban ng Diyos?
Papaano magagawa ng mga Kristiyano na sa Diyos ay maging mapagmahal at mapagpasakop sa mga layunin ng Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions