November 8, 2023 | Wednesday

Ang Mabigyan Ngiti Ang Diyos

Today's verse: 2 Peter 1:3 (FSV)

3 Ipinagkaloob niya sa atin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ang lahat ng bagay na kailangan natin sa buhay at sa pamumuhay nang tapat sa kanya. Ito'y sa pamamagitan ng ating pagkakilala sa kanya na tumawag sa atin ayon sa kanyang karangalan at kaluwalhatian.  


Read: 1 Peter 1

Ang mabigyan ngiti ang Diyos ay pribilehiyo ng mga anak ng Diyos. 


Si Apostle Pedro ay naniniwala sa pagiging mapagkaloob ng Diyos. Siya ang naghayag na nagkaloob na ang Diyos para sa pangangailangan natin sa buhay. Ang Diyos din ang nagbibigay ng kakayahang mamuhay ang Kristiyano ng may katapatan sa Kanya. Binibigyan linaw ni Pedro na ang dalawang klase ng pagkakaloob na ito ay para sa karangalan at kaluwalhatian ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay.


Ang tunay na Kristiyano ay may napakagandang pribilehiyo! Sila ang mga klase ng tao na may kakayanang mamuhay na napapangiti ang Diyos. Masaya ang Diyos na pinagpapala sila kasi sumusunod sila. Sila ay namumuhay ng may katapatan sa utos ng Diyos. Kaya ang pangako ng Diyos sa kanila ay makatotohanan at hindi hinayaan lamang. Sila din ang mga klase ng tao na nakaka-inspire sa kapwa tao. Sila ay pinagpala ng Diyos ng pang-araw na pangangailangan at patungon nila sa buhay na mas masagana. Ang kanilang katapatan sa Diyos ang nagpapangiti sa Diyos.


Alamin kung papaano mapangiti ang Diyos. Kilalanin ang karakter ng Diyos. Unawain kung sino ba talaga ang Diyos sa pamamagitan ng pag-alam ng mga nagpapasaya sa Kanya, nagpaparangal sa Kanya, ang nabibigay kaluwalhatian sa Kanya. Malaking dahilan na mapapangiti mo ang Diyos ay kung ikaw ay tunay na anak ng Diyos.  

Panalangin:

Ako'y lumalapit sa Iyo, aking Diyos Ama. Nais kong mabigyan ka ng ngiti. Bigyan mo ako ng kakayanan na mapasaya Ka, maparangalan Ka, at maluwalhati ka. 

Sa iyo na ang aking pansin, aking Panginoon. In Jesus’ Name, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Romans 1-3

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions