November 28, 2023 | Tuesday

May Basbas Ng Diyos

Today's Verse: Genesis 1:27-28 (ASND)

27 Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya. 28 Binasbasan niya sila at sinabi, “Magpakarami kayo para mangalat ang mga lahi ninyo at mamahala sa buong mundo. At pamahalaan ninyo ang lahat ng hayop.”


Read: Genesis 1

Sa simula pa lang, nilikha na ng Diyos ang mga tao ng may basbas. 


Ayon sa Genesis, nilikha ng Diyos ang tao. Naunang nilikha ang lalaki mula sa putik na hinulma ng Diyos at hiningahan ng buhay. Kasunod ay ang babae na mula naman sa tadyang ng lalaki. Sila ay itinuring ng Diyos na nararapat na magkapartner. Kinilala ni Adan si Eva at sinabing, “Narito na ang isang tulad ko! Buto na kinuha sa aking mga buto, at laman na kinuha sa aking laman. Tatawagin siyang ‘babae,’ dahil kinuha siya mula sa lalaki.” Ang pinakamasarap na maunawaan dito ay nang ‘binasbasan’ ng Diyos ang dalawang tao, lalaki at babae, para magparami at mamahala. Ito ay may mga katotohanan na higit pa sa ating typical na nalalaman.


Ang basbas ng Diyos ay napakahalaga sa ating buhay bilang tao – lalo na bilang mga Kristiyano. Ang basbas ay hindi lamang salita na basta lang sinabi ng Diyos. Ang ‘basbas ng Diyos’ ay may kasamang pagpapala ng Diyos, pabor ng Diyos, na may positibong salita at gawa mula sa ating Panginoon. Dahil sa kasalanan natin, ang basbas ng Diyos ay limitado sa ating buhay. Napakalimitado ng natatamo natin na mga mabubuting resulta ng basbas ng Diyos. Ito ay dahil ang tao ay namumuhay ng malayo sa kalooban ng Diyos. Ngunit ang lumalagong Kristiyano na lumalawak sa pang-unawa at pananaw ay makakaranas ng basbas ng Diyos na may kakaibang galak at pagpapala. Naisin ng lumalagong Kristiyano ang araw-araw na basbas ng Diyos, may breakthroughs and miracles na nangyayari, at may katagumpayan sa mga dalahin o pagsubok. Not to mention ang iba pang mabubuting blessings mula sa Diyos. Ito ay dahil sa basbas ng Diyos. 


Unawain ang kahalagahan ng basbas ng Diyos. Naisin at tanggapin ito araw-araw. Mamuhay ng may uhaw at gutom sa Salita at Presensya ng Diyos. Ipagdiwang ang kabutihan ng Diyos mula sa basbas na iyong tinatanggap. Sa mga parents, maging gawi ang basbasan ang mga anak ng madalas. Mga anak, naisin ang basbas ng mga parents. Laging pasalamatan ang Diyos. Siya ay laging nagnanais na magbigay ng kanyang basbas sa mga lumalapit sa Kanya. 

Panalangin:

Diyos Ama, kailangan ko po ang Iyong basbas araw-araw. Ako’y biyayaan Niyo ng Iyong pagpapatawad. Ako po ay nagpapakumbaba. Ikaw ang maghari sa aking buhay. GUsto ko pong lalong humanga sa Iyo

In Jesus’ Name, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Corinthians 13-15

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions