November 30, 2023 | Thursday

Ang Mas Mabuting Kaloob

Today's Verse: Luke 11:12-13 (FSV)

12 O kung humingi ito ng itlog ay bibigyan ba ninyo ito ng alakdan? 13 Kung kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa ang Ama na nasa langit na magbibigay ng Banal na Espiritu sa mga humingi sa kanya?”


Read: Luke 11

May mabuting naisin ang Diyos na magkaloob ng Holy Spirit sa mga humihiling.


Ang Panginoong Jesus ay nagturo’t nagsalita tungkol sa pagiging mapagbigay ng mga ama sa lupa. Kahit na marami sa mga ama ay masama kumpara sa kabanalan ng Diyos, maraming ama pa rin ang “marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak”. Sa ganitong kaisipan sinabi ni Jesus na more than willing ang Diyos Ama “na magbibigay ng Banal na Espiritu sa mga humingi sa kanya”.


Mayroong naisin ang Diyos Ama na magkaloob ng Holy Spirit. Kawili-wili na isipin na ikinumpara ang pagiging mapagkaloob ng mga ama sa lupa sa pagiging mapagkaloob ng mga Ama sa langit. Ito ay pagkukumpara sa pagitan ng makasalanang taong ama at sa banal na Diyos Ama. Higit na mas marunong magbigay ang Diyos Ama. Marunong pareho na magkaloob, pero nagkakaiba sa gustong ipagkaloob. Ang ama sa lupa ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob. Samantala ang Diyos Ama ay marunong magbigay ng Banal na Espiritu! Kung malaki ang kaibahan ng masamang ama sa banal na Ama, napakalaki naman din ng kaibahan ng ‘mabubuting kaloob’ kumpara sa kaloob na ‘Holy Spirit’. Ang punto dito ay ang malaking kaibahan. Ang isa mabuting kaloob pero para sa pansamantalang pangangailan tulad ng pagkaing isda at itlog. Sa kabilang banda, ang isa naman ay para sa pangwalang hanggang presensiya ng Holy Spirit. Ang pangangailangan natin sa Holy Spirit sa buhay natin ang importanteng kapahayagan ngayon.


Alamin ang mabuting naisin ang Diyos na magkaloob ng Holy Spirit. Mayroon tayong pansamatalang mga pangangailangan, ito ang pagkain at anumang materyal na bagay. Mayroong din tayong pangwalang hanggan na pangangailanan – ang Holy Spirit. Hilingin sa Diyos Ama ang mas mabuting kaloob na Holy Spirit. 

Panalangin:

Aking Diyos Ama, hinihiling ko ang Holy Spirit sa aking buhay. Kailangan ang gabay mo. karunungan mo, at pagpapala mo sa pamamagitan ng Holy Spirit. Tulungan mo akong mas piliin palagi ang gabay ng Espiritu sa buhay ko araw-araw. 

Maraming salamat po. In Jesus’ Name, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 2 Corinthians 1-3

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions