October 11, 2023 | Wednesday
Panalanging May Tagumpay Sa Pagsubok
Today's verse: Luke 22:31 (FSV)
31 “Simon, Simon, makinig ka! Hiningi ni Satanas na ligligin kayo gaya ng sa trigo. 32 Ngunit idinalangin kita upang huwag manghina ang iyong pananampalataya; at kapag nagbalik-loob ka na, dapat mong palakasin ang iyong mga kapatid.”
Read: Luke 22
Spiritual people doing humble and loving prayers help one another overcome spiritual attacks.
Si Jesus Christ ay may taglay na pagkalinga sa kanyang mga disciples – lalo na sa kanyang 12 Disciples. In the Spirit, napag-alaman ni Jesus na may darating na matinding spiritual attack kay Peter (isa sa mga 12 Disciples). Alam ni Jesus na sa sobrang tindi ng pagsubok na ito, si Peter ay sobrang manghihina sa pananampalataya. Kaya ang prayer ni Jesus (na Kanya ding sinabi kay Peter) ay ang pagpapanumbalik ni Peter. Pinaalalahanan din siya ni Jesus ng gagawin niyang muli na pagpapalakas sa mga kapatiran. Mapapansin na alam ni Jesus Christ kung paano mang-encourage ‘without watering down’ ang paparating na matinding pagsubok.
Tayo bilang tao ay dumaranas ng spiritual attacks – lalo na ang mga anak ng Diyos. Madalas ay hindi natin ito alam. Pero ito ay ramdam natin dahil may dala itong kakaibang lungkot, pagkalito, o kaguluhan. Ang goal ng Devil sa pagsubok ay ilayo tayo sa presensiya ng Diyos dahil sa pagsuway. Ang goal ng Diyos kaya hinahayaan Niya ang spiritual attacks ay para mas kumapit tayo sa Kanya. Ngunit kung mapanghinaan o tumalikod man tayo, ang prayer ni Jesus Christ sa atin ay ang mapanumbalik tayo sa sentro ng kanyang kalooban. Kasunod nito’y ang muling pagpapalakas natin sa ating mga mahal sa buhay at sa mga kapatiran.
Ang bawat tao ay may pagsubok – lalo na ang mga anak ng Diyos. Maniwala tayo na nananalangin si Jesus Christ para sa ating kaligtasan. Magpatuloy sa pananalangin kahit may pagsubok. Huwag i-condem ang ating sarili. Magpalakas in the Spirit. Magpakumbaba sa Diyos ng may pagsunod. Gawin ang utos at kalooban ng Diyos. Magpasakop sa Diyos ano man ang level ng dinaraanang pagsubok o spiritual attack.
Panalangin:
Aking Ama, salamat sa iyong pagkalinga lalo sa panahon ng aking mga pagsubok. Salamat din sa intercession ni Jesus Christ para sa aming mga anak ng Diyos laban sa anumang spiritual attacks. Ngayon, ako ay nagpapasakop sa Iyong kalooban at pag-ibig anuman ang aking dinaraaraanang pagsubok. Palakasin Mo ako. Gamitin Mo rin akong magbigay lakas sa mga dumaraan din sa kani-kanilang mga
In Jesus’ Name, Amen.
Pagninilay:
Ayon sa ating Bible story, ano ang nakaantabay na spiritual attack kay Peter?
Ano ang dapat namaging pananaw ng isang Kristiyano tungkol sa spiritual attacks?
Papaano ma-overcome ang spiritual attacks at maging tulong din sa iba na maaaring dumaraan sa kanilang spiritual attacks?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions