October 9, 2023 | Monday
Idalangin Ang Kapayapaan Ng Israel
Today's verse: Psalm 122:6–7 (MBBTag)
6 Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin: “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain.7 Pumayapa nawa ang banal na bayan, at ang palasyo mo ay maging tiwasay.”
Read: Psalm 122
Pahalagahan natin sa pananalangin ang kapayapaan ng Israel. May kinalaman dito ang ating biblical faith.
Laman ng puso ni Haring David ang kapayapaan ng Jerusalem, ang capital city ng Israel. Siya ay may palagiang pagsisikap para manalangin. Hinihikayat ni Haring David ang kanyang mga kababayan na manalingin ng may buong pagsisikap at pagmamahal.
Mahalaga na nananalangin ang mga Kristiyano para sa kapayapaan ng Israel. Sa Old Testament, sila ang lahi na napili ng Diyos ihayag ang Kanyang sarili at ang Kanyang kalooban. Sa New Testament, sila ang lahi na napili ni Jesus Christ na panirahan nang Siya ay nagkatawang tao. Sa bansang Israel napag-umpisahan ang Christian faith. Sa kanila nanggaling ang mga nilalaman ng Bible na ating buong pag-ibig na binabasa, pinag-aaralan, at isinasapamuhay. Ang kanilang kalalagayan ay palagiang may sinasabi sa ‘prophetic agenda’ ng Diyos para sa kalalagayan ng buong mundo – lalo na sa mga nag-aantay sa panunumbalik ng Panginoong Jesus.
Maging laman ng ating mga puso’t-isipan ang kapayapaan sa Israel. Alalahanin natin ang pagpapahalaga ng Diyos sa bayan na ito. Sila’y ating kalingain maski sa ating mga araw–araw na mga pananalangin. Ipanalangin ang kapayapaan ng Israel.
Panalangin:
Aming Diyos Ama, sa Iyo ay aming idinudulog ang kapayapaan ng Israel. Ang Iyong bayang pinili. Ang Iyong bayan na minamahal. Ingatan mo sila sa lahat ng may masamang tangka sa kanila. Yakapin mo sila sa panahon na sila ay bagabag dahil sa giyera mula sa mga kalaban na bansa. Ingatan mo rin sila laban sa mga spiritual attacks na kagagawan ng mga demonic being.
Kayapaan para sa iyo, bansang Israel. In Jesus’ Name, Amen.
Pagninilay:
Ano ang iyong nalalaman tungkol sa lahi o bansa ng Israel?
Bakit kaya palagiang puntirya ang Israel ng giyera mula sa mga bansang nakapaligid dito? May kinalaman ba dito ang kanilang kasalukuyang pagtanggap kung sino ba talaga si Jesus Christ?
Papaano magiging aktibong bahagi ang isang tagasunod ni Jesus Christ para sa kapayapaan ng Israel?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions