October 7, 2023 | Saturday

Ang Pakinabang Ng Lungkot

Today's verse: Psalm 119:71-72 (Ang Biblia 1978)

71 Mabuti sa akin na ako'y napighati; Upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo. 72 Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin Kay sa libong ginto at pilak.


Read: Psalm 119

Ang pighati o malalim na lungkot ay may pakinabang kung ang pagsunod sa Diyos ay matututuhan.


Ang buong chapter ng Psalm 119 ay patungkol sa mabuting pakikitungo sa mga alituntunin at mga kautusan ng Diyos. Kapansin-pansin na sa Old Testament ay maraming kautusan. Kung papansinin, ang mga kautusan na ito ay may mga alituntunin. Aking nadiskubre na ang alituntunin ng Diyos ay ang mga detalye kung paano sundin ang mga utos ng Diyos. Ang nagsulat ng Psalm 119 ay may alab at malalim na pang-unawa sa kautusan ng Diyos. Nakakamangha na ang kanyang naranasang kapighatian o malalim na lungkot at naidugtong niya sa kahalagahan na matutuhan ang mga alituntunin ng Diyos.


Bilang tao tayo ay nakakakaramdam. Hindi kasalanan na tayo ay makaramdam. Ang makaramdam ay bahagi ng pagkagawa sa atin ng Diyos. Ang pighati o malalim na lungkot ay ating emotional na tugon sa hindi magandang nangyayari sa atin. Kung tama ang pananaw ng isang tao, lalo na ng anak ng Diyos, ang pighati o malalim na lungkot ay may malaking pakinabang. Ang pakinabang ng pighati o malalim na lungkot na ating nararamdaman ay kung mai-connect natin ito sa pagkatuto sa tamang pagsunod sa Diyos.


Sundin ng tama ang Diyos. Huwag mong gawin ang utos at kalooban ng Diyos ayon sa iyong kagustuhan. May alituntunin ang utos ng Diyos. Gamitin mo ang gabay ng Salita ng Diyos para mas masunod mo ang Salita ng Diyos. Ito ang matindi: gamitin mo ang iyong malalim na kalungkutan para maging self-inspired ka na mahalin ang Diyos at mas sundin ang Kanyang utos. Pahalagan ang kautusan ng Diyos. Sundin sa tamang paraan ang mga utos ng Diyos. 

Panalangin:

Diyos Ama, salamat sa pang-unawa na bigay Mo sa akin sa kalagitnaan ng malalalim na kalungkutan. Salamat dahil may pakinabang pala itong aking nararamdaman. Tulungan mo akong masunod ng tama ang kautusan Mo. 

Ikaw ang masunod sa aking buhay, Panginoon. In Jesus’ Name. Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Luke 5-6

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions