October 4, 2023 | Wednesday
Kapag May Hindi Ka Maunawaan
Today's verse: Job 2:10 (MBBTag)
Ang sagot ni Job, “Hindi mo naiintindihan ang iyong sinasabi. Pagpapala lang ba ang tatanggapin mo sa Diyos? Hindi ba natin tatanggapin kung bigyan niya tayo ng pagdurusa?” Sa kabila ng kanyang paghihirap, hindi nagsalita si Job ng laban sa Diyos.
Read: Job 2
Sa mga pagkakataon na hindi natin maunawaan ang sitwasyon, manampalataya pa rin tayo sa Diyos at magpasakop sa Kanyang kabutihan.
Alam ni Job na sa dami ng problema na dumating noon sa buhay niya, ang best pa rin ang nasa puso ng Diyos. Naisip ni Job na ang ibigay na payo ng asawa niya sa kanya ay kapos sa pagpapasakop sa Diyos. Pansin sa mga salita ni Job na siya ay may buong pusong pagtitiwala pa rin sa Diyos gaano man kasama ang kanilang kalagayan.
Ang lahat ng mga pangyayari sa buhay natin ay nasa pangangalaga ng Diyos. Anuman ang hindi mo maunawaan sa current mong kalalagayan ay hindi nangangahulugan na hindi na alam ng Diyos ang mga pagyayari. Si LORD ay napakarunong para magkamali. Ang Diyos ay napakabuti para gawan tayo ng masama. Ang pagtitiwala natin sa Diyos ay lubos na mahalaga tuwing tayo ay may problema o pagsubok. Sa kabilang banda, iba ang usapan kung may nangyaring problema dahil sa ating tahasang pagsuway sa direct command ni Lord. Ang paghihirap o pagdurusa dahil sa pagsunod sa Diyos ay “testing” ang tawag. Ang paghihirap o pagdurusa dahil sa pagsuway sa Diyos ay “consequences” ang tawag.
Alinman, magpakumbaba at magpasakop sa kalooban ng Diyos. Ang best mo pa rin ang nasa puso ng Diyos. Masama o mabuti ang nangyayari sa iyo ngayon, nasa radar ka pa rin ni Lord. Sa ating paghihirap, magsalita tayo ng kapurihan sa Diyos. Iwasang magsalita ng anumang laban sa Diyos. Huwag din mawalan ng pag-asa. Ang pananaw mo sa mga bagay-bagay ayon sa puso ng Diyos ay malaking pakinabang sa iyo.
Panalangin:
Aking Ama, maraming pangyayari sa buhay na di ko minsan maunawaan. Mas ramdam minsan ang pasakit kesa sa presensya Mo. Patawarin Mo po ako. Ngayon, ako ay iyong abutin. Alalayan Mo po ako. Ako ay magtitiwala sa Iyo.
Ikaw pa rin ang aking Diyos, Panginoon, at Tagapagligtas. In Jesus’ Name. Amen.
Pagninilay:
Ano ang kaibahan ng suffering dahil sa pagsunod sa Diyos kumpara sa suffering dahil sa pagsuway sa Diyos?
Ano ang dapat gawin kung may suffering dahil sa pagsunod sa Diyos?
Papaano magiging mapagtiwala pa rin sa Diyos kahit na may problema sa buhay?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions