October 3, 2023 | Tuesday
Maihayag Ang Mga Gawa Ng Diyos
Today's verse: John 9:2-3 (MBBTag)
2Tinanong siya ng mga alagad niya, “Rabbi, sino ba ang nagkasala't ang lalaking ito ay ipinanganak na bulag, siya o ang kanyang mga magulang?” 3Sumagot si Jesus, “Hindi ang lalaking ito, ni ang mga magulang niya ang nagkasala; ipinanganak siyang bulag upang sa pamamagitan niya, ang mga gawa ng Diyos ay maihayag.
Read: John 9
Hindi lahat ng problema o karamdaman ay dahil sa kasalanan. Ang iba ay para maihayag ang mga mabubuting gawa ng Diyos.
Malalim na kaisipan ng mga Disciples ni Jesus na ang karamdaman simula pa pagkabata ng lalaking bulag. Kalat na kaisipan nila na ang dahilan ng pagkabulag ng mama ay dahil siya o ang kanyang magulang ang nagkasala. Ang sagot ni Jesus ay nakakagulat: ang pagiging bulag ng mama ay para maihayag ang mga gawa ng Diyos.
Hindi lahat ng karamdaman o problema ay dahil sa kasalanan. Isipin natin ito ng mas malalim. Alamin natin na pwedeng gamitin ng Diyos ang atin masamang sitwasyon para maihayag ang kanyang gawa. Nais ng Diyos na Siya ay makilala na DIyos na nagpapagaling. Siya din ang Diyos na nagpapala. Ang tawag sa mga gawa ng Diyos ay ‘miracles’. Magagawa pa rin ng Diyos na gumawa ng himala. Walang imposible sa Diyos. Ang mahirap magawa ng tao ay madali para sa Diyos. Ang imposible sa tao ay posible sa Diyos. Ang Diyos na tunay ay Diyos ng himala!
Maniwala ka sa kakayahan ng Diyos. Tumingin ng may awa at pagmamahal sa kapwa tao. Iwasan natin ang agarang pag-condemn sa mga nagkasakit o may mga problema. Hindi lahat ng negatibong nangyayari sa kanila ay dahil sa kasalanan nila (gayun din naman tayo). Unawain na minsan may ibang dahilan ang Diyos. May iba ding pamamaraan ang Diyos. Sa mga imposibleng kalalagayan natin, may mabuting plano ang Diyos. Isagawa Niya ang mabuti. Lumapit sa Diyos ng himala.
Panalangin:
Diyos Ama, ang kalalagayan ko ay aking ipinagkakatiwala ko sa iyo. Naniniwala akong walang imposible sa Iyo. Salamat at di Ka nagko-condemn. Nais ko na maihayag ang mga gawa mo sa aming buhay.
Ikaw ang Diyos ng himala. In Jesus’ Name. Amen.
Pagninilay:
Ano ang mga gawa ng Diyos na Kanyang gustong ihayag?
Papaano mararanasan ang mga himala ng Diyos?
Papaano maihahayag ng Diyos ang mga gawa Niya?
Bakit mabilis na husgahan ng tao ang kanyang kapwa dahil sa masama nitong kalalagayan?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions