September 27, 2023 | Wednesday

Pinagpala Sa Gitna Ng Pagsubok

Today's verse:  James 1:12 (MBBTag)

12 Pinagpala ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos niyang malampasan ang pagsubok, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya.


Read: James 1

Ang Diyos ay may pagpapala sa kalagitnaan ng mga pagsubok.


Sa panahon noon ng mga sinaunang Kristiyano na dumaranas ng matinding pagsubok, ang pahayag ni Apostle James sa kanila ay ang manatiling tapat. Ayon kay James, “pinagpala ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok…” Ang paalala sa kanila ay ang manatiling tapat. May gantimpalang nakalaan sa mga umiibig sa Diyos.


Palaisipan sa marami kung bakit may pagsubok pa rin sa mga buhay. Minsan ay nakakalito ang mga pangyayari sa buhay. Bakit parang dumarami ang pagsubok kapag mas lumalapit tayo sa LORD. Minsan nakakapanghina. Until na ma-realize natin na hindi pangmatagalan ang anumang pagsubok. Lilipas at lilipas din ang mga pagsubok. Ang mainam na pangako ay may gantimpala sa mga taong nanatiling tapat sa Diyos – lalo na sa mga tagasunod ni Jesus Christ. 


Mahalin natin ang Diyos higit sa lahat. Manatiling tapat sa ating relationship sa Diyos. Aralin kung papaano mas masusunod ang kalooban ng Diyos sa gitna ng anumang pagsubok. Panghawakan ang mga pangako ng Diyos. Ang katapatan Niya ay lubusan. Kilalanin natin ang Diyos sa pamamagitan ni Jesus Christ. Hindi kaplastikan ang mag-antay ng gantimpala ng Diyos ang mga anak ng Diyos na nananatiling tapat sa kabila ng lahat ng mga pagsubok.

Panalangin:

Ikaw ay lubos na tapat, aming Diyos Ama. Hindi ka nagmamaliw sa Iyong pagkalinga sa amin. Kaya, kami ay lubos mo bigyan ng lakas na maging tapat sa gitna na anumang pagsubok sa aming buhay. Naniniwala kami sa Iyo. 

Ikaw ang aking Panginoon. In Jesus’ Name. Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Mark 7-8

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions