September 22, 2023 | Friday

Ang Kaibahan Ng Matakot Sa Manampalataya

Today's verse:  Mark 5:35–36 (MBBTag)

35Habang nagsasalita pa si Jesus, may ilang taong dumating mula sa bahay ni Jairo. “Patay na po ang inyong anak. Huwag na po ninyong abalahin ang Guro,” sabi nila. 36Ngunit nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya kay Jairo, “Huwag kang matakot; manampalataya ka lamang.”


Read: Mark 5

Sa ating pakikipagkilala sa Diyos, ang takot sa mga usapin sa buhay ang unang inaalis Niya sa atin. 


Maraming miracles na isinagawa ni Jesus na isinulat sa book ni Mark the evangelist. Sa ating napiling verses, may takot si Jairus na tagapamahala ng sinagoga. Ang takot ni Jairus dito ay yun mangyari ang kanyang kinatatakutan – ang mamatay ang kanyang anak. At nung nangyari, siya’y pinayuhan ng mga tao na huwag nang abalahin pa si Jesus. Ang tugon ni Jesus ay “Huwag kang matakot; manampalataya ka lamang.” 


Magkaiba ang matakot sa manampalataya. Kung tayo ang may takot dahil sa mga pangyayari o usapin sa buhay, for sure, ang pananampalataya sa Diyos ay wala. Ang panghinaan ka ng loob dahil sa takot ay pwede ring mangyari. Pwede rin na ikaw at ang mga tao sa paligid mo ay mag-give up na. At pwede na maging desisyon natin ay huwag nang abalahin ang iba o ang Diyos. Ang ganitong mga situation ang master na master na ni LORD. Kung makikig tayo sa Diyos, katulad ng nangyari kay Jairus ay pabulaanan ng Diyos ang maaaring factual na sinasabi ng iba. Pabubulaanan din ng Diyos ang iyong sariling takot at sasabihin niya sa iyo, “Huwag kang matakot; manampalataya ka lamang.”


Huwag mong panaigin ang takot dala ng problema’t usapin sa buhay. Bagamat mas feel natin na mas totoo ang problema dahil ramdam at kita, ito pa rin ang mas mainam gawin: ramdamin mo nang may pananampalataya ang Diyos sa iyong buhay, at makikita mo ang mga samu’t-saring miracles ng Diyos para sa iyo. Kahit may naririnig kang tunog spiritual at maaaring totoong nangyayari, ngunit negative pala at di talaga nakakatulong. Mas pakinggan pa rin ang Salita ng Diyos hindi ang opinion ng tao. Manampalataya ka sa Kanya. Huwag matakot kundi manampalataya tayo sa Diyos ng himala.

Panalangin:

Ama, maraming problema ang bumabagabag sa akin. May mga boses sa paligid na pilit akong tinatakot. Tulungan Mo akong maniwala sa Iyo kesa sa problema ko. Bigyan mo ako ng pananampalataya. Naniniwala ako na ikaw ang Diyos ng himala. 

Ikaw ang aking Tagapagligtas, Tagapagpagaling, at Tagapagpapala. In Jesus’ name. Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Mark 3-4

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions