September 18, 2023 | Monday

Ang Pakinabang Ng Karunungan At Kaunawaan

Today's verse:  Proverbs 3:13-14 (MBBTag)

13Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan, at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo. 14Higit pa sa pilak ang pakinabang dito, at higit sa gintong lantay ang tubo nito. 


Read: Proverbs 3

Ang karunungan at kaunawaan ay napakalaking pagbabago ang kayang gawin kahit sa anumang mahirap na sitwasyon ng ating buhay.


Malaking bahagi ng Proverbs o Kawikaan ay isinulat ng pinakamarunong na tao sa mundo – si Haring Solomon. Kanyang hinihimok ang mga tao na magkaroon ng karunungan o ‘wisdom’ at kaunawaan o 'understanding'. Ayon kay Haring Solomon, mahalaga pa kumpara sa pilak at ginto ang karunungan at kaunawaan. 


Lamang ang isang tao na kaya o nagagawang unawain ng may karunungan ang mga pangyayari sa buhay. Hindi ganun kadali na ma-gets bakit nagaganap ang iba’t-ibang pangyayari sa ating buhay. Hindi rin ganun kadali na tumugon agad-agad ng may tamang pag-uugali. Madalas sa hulihan ang realization. Madalas nasaktan na natin ang ibang tao, o ang ating sarili bago natin ma-realize o maunawaan ang nagawa dahil sa pangyayari. Madalas din na nakalampas na ang opportunity sa buhay bago natin ito na-appreciate at naisakatuparan. Madalas sa mga ganitong mga sitwasyon nasusubok ang ating pagiging tao … lalo na ang pagiging tagasunod ni Kristo-Hesus. May mga dapat tayong gawin.


Maging maagap sa mga oportunidad na dumarating. Matuto tayong mag-appreciate ng ating kapwa at mga mahal sa buhay. Matutong mag-pause at huminahon sa kinakaharap na sitwasyon para gumana ang karunungan at kaunawaan. Alamin na ang ‘retreat’ o pansamantalang pag-atras ay hindi nangangahulugan na ‘surrender’ ka na. Ang ibig sabihin lang niyan ay mas inaaral mo ang iyong sitwasyon at iniiwasan mo ang maging mangmang, magkamali ng desisyon, o makasakit sa kapwa. Always see the bigger picture. Maging marunong. Umunawa.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, nais ko ang kaya Mong ibigay na karunungan at kaunawaan. Patawarin mo ako sa aking mga maling pag-uugali. Tulungan Mo akong itama ang mga nagawa kong maling desisyon. Isayos mo ang aking mga pangarap, pakikisalamuha, pagdedesisyon, pagsamba, at paglilingkod sa Iyo. Ako’y gawaran mo ng Iyong karunungan para mas maunawaan ko bakit nangyayari ang mga pangyayari sa aking buhay.

Sambahin Ka. In Jesus’. Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Matthew 24-25

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions