September 11, 2023 | Monday
Tamang Pananaw Kung May Pagsubok
Today's verse: James 1:2-3 (FSV)
2Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.
Read: James 1
May pagkakataon tayo na pumili ng tama o ng maling pananaw sa kanya-kanyang nating pinagdadaanang pagsubok.
HIndi itinago ni James nang ihayag niya na ang mga Kristiano ay dumaranas din ng iba’t-ibang uri ng mga pagsubok. Kanya ding sinabi na may layunin ang bawat pagsubok. Ang layunin ng pagsubok ay patatagin ang pananampalataya ng mga Kristiano. Ang mga kristiyanong dumadaan sa pagsubok ay nararapat na magtaglay ng tamang pananaw. Ang tamang pananaw na dapat niyang taglayin ay ang pagkakaroon ng kagalakan. Sinabi ni James na ‘magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok’.
Nararapat na matanggap ng mga Kristiano na mayroong dadaan at dadaan na mga pagsubok. Ito ay normal na pangyayari. Katulad ng pag-aaral sa school na tuwina ay may test, ang buhay Kristiyano ay mayroon ding tests or trials or mga pagsubok. Sa pananaw ng Diyos, tayo’y tumatatag sa pananampataya tuwing may pagsubok na ating napagtatagumpayan. Dahil dito, nasisigurado natin na tayo talaga ay may pananamapalataya sa Diyos. Karagdagan, nasisigurado natin na ang ating pananampalataya ay totoo at hindi ‘superficial’. Higit pa rito, tayo ay nasa clear advantage bilang Kristiyano kung taglay natin ang puso na magalak. Ang pagiging magalak ay mula sa Diyos. Ito ay hindi nakabase sa kung anong pananampalataya mayroon tayo. Daranas tayo ng pagsubok na kung ating mapagtatagumpayan, ay mas malalaman natin ang kasiguraduhan ng pananampalataya na meron tayo.
Sa tamang pananaw, turuan natin ang ating mga sarili na maging matatag sa tuwinang may pagsubok. Ating tanggapin ng may kagalakan ang dumaraang mga pagsubok. Ito ay iyong testimony. Minsan, di mo kailangang magsalita. Nababasa na ng mga tao ang mensahe ng ating klase ng pamumuhay. Ngayong araw, maging encouragement tayo sa mas marami pang mga tao. You’ll never know, marami ka na palang nae-encourage.
Panalangin
Diyos Ama, anumang pagsubok na daanan ko, turuan mo akong maging magalak. Pagtibayin mo ang aking pananampalataya. Magawa ko na masunod Ka ng may pagtitiwala sa Iyo. Palaguin mo ang aking karunungan
Salamat Panginoong Jesus. Amen.
Pagninilay:
Gusto ng Diyos na tayo’y maging matatag sa anumang pagsubok. Magbgay ng mga sample ng iba’t-ibang pagsubok?
Ano ang kaibahan ng pagiging masaya sa pagiging magalak?
Kalooban ba ng Diyos na tayo’y maging talunan sa mga pagsubok ng buhay? Bakit kaya sa iyong palagay?
Papaano maging magalak kahit na alam kong may mga pagsubok?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions