September 6, 2023 | Wednesday

Kay Yahweh Mo Hanapin Ang Kaligayahan

Today's verse: Psalm 37:3-4 (MBBTag)

3 Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin, at mananahan kang ligtas sa lupain. 4 Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.


Read: Psalm 37

Mahalaga sa Diyos na sa Kanya nanggaling ang ating kaligayahan. 


Si King David ang manunulat ng Psalm 37. Pansin na si David ay naisulat ang Awit 37 base sa kanyang na-develop na relationship sa LORD. Pansin na may puso ang datingan ni David hanggang sa pagsusulat niya. Kanyang ipinagmamalaki ang Diyos. Kanyang naranasan ang katapatan ng Diyos. In the first place, naging hari ng Israel si David dahil sa Diyos. At dahil dito kanyang ibinabahagi sa mga tao na “kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan”. Alam na alam ni Haring David ang kanyang sinasabi dito. Siya mismo ay nakaranas na “mananahan kang ligtas sa lupain” at naranasan niya rin na “ang pangarap mo'y iyong makakamtan.” 


Marami ang nakikipag-kompetensya para sa kaligayahan natin bilang mga tao. Will God win the hearts of men & women? Sa ating verse, nabasa natin na may hatid na kaligayahan ang Diyos na mas angat sa kaligayahang hatid ng mundo. Malinaw na mayroong palagiang kompetensiya o labanan para sa puso at pansin ng mga tao. Tingnan mo ang lahat ng ‘ads’ sa TV at sa social media. Lahat sila ay nakikipag-agawan sa ating mga pansin. Eventually ang nais nila ay sundin ang payo nila o bilhin ang product nila. Ito ay mga examples ng subtle contests na nangyayari. Kaya ang tanong ngayon ay “Will God win your heart today?”


Ibigay mo ang puso mo sa Diyos. Ang puso mo ang pinaka-sentro ng iyong pagkatao. Sinuman o anuman ang manalo sa puso ay makukuha ang iyong attention at efforts. Kasama na diyan ang iyong time, talent, and treasure. Ngayong araw at sa susunod pang mga araw, “Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.” Simulan mo na. Ipagpatuloy, no matter what.

Panalangin

Diyos Ama, ang aking buong attention ay nasa Iyo ngayon. Ng focus ko ay nasa Iyo din ngayon. Ikaw ang panalo sa puso ko. Panalangin ko na araw-araw gawin mo sa buhay ko na ikaw ang bida na laging panalo. 

Ikaw ang aking Diyos, at Panginoon, at  Tagapagligtas. Sa Pangalan ni Jesus Christ. Amen. 

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Matthew 11-12

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions