September 4, 2023 | Monday

DROP EVERYTHING AS NEEDED

Today's verse: Hebrews 4:10-11 (FSV)

10 sapagkat ang pumasok sa kapahingahang ibinigay ng Diyos ay nagpahinga rin sa kanyang mga gawa, gaya ng Diyos na nagpahinga rin sa kanyang paglikha. 11 Kaya't magsikap tayong pumasok sa kapahingahang iyon, upang walang sinumang mabuwal dahil sa pagsunod sa halimbawa ng pagsuway ng mga Israelita noon.


Read: Hebrews 4

Drop Everything As Needed: Ang magpahinga ayon sa kalooban ng Diyos ay nararapat upang tayo ay patuloy na makasunod sa kalooban ng Diyos.


Ang aklat ng Hebrews ay nanghihikayat na pumasok ng may pagsisikap sa kapahingahan ng Diyos. Ang Diyos na bagaman hindi napapagod ay nagpahinga matapos Niyang gawin ang sangnilikha. Ang mga tao ay hinihikayat din ng Biblia na gawin ang pagpapahinga. Ang tunay na nakakapagpahinga sa presensya ng Diyos ay nakakapagpatuloy sa pagsunod sa Diyos. Siguradong makakasunod ka sa kalooban ng Diyos dahil hindi ka nabubuwal.


‘Drop everything as needed’ ay ang simpleng pagsasabi na willing akong iwaksi ang mga bagay-bagay dahil kailangan ko ang kapahingahan na bigay na Diyos. Ito ang makapagbibigay sa atin ng nararapat na sigla para magkapagtuloy sa pagsunod at hindi mabuwal. Ang kapahingahan din na ito ay ang sapat na pahinga natin tulad ng literal na pagtulog. May pahinga sa pag-appreciate ng mga mabubuting bagay na gawa natin dahil sa pagsunod sa Diyos. May pahinga din sa pagpansin sa ganda ng Creation. Iyan ang ginawa ng Diyos matapos niyang gawin ang sangnilikha. Kanyang tinanaw ang sangnilikha at nagbigay ito ng galak sa Diyos. 


Pagmasdan ang mga mabubuting nagawa mo para sa Diyos – ikaw ay makakaranas ng kapahingahan . Mananatili ka sa presensiya ng Diyos in prayer and in the Word – ikaw ay makakaranas ng kapahingahan . If you drop everything as needed, then you will get the needed rest. You will never give up and you can keep on obeying the LORD – ikaw ay makakaranas ng kapahingahan nagmumula sa Diyos. Mas mapaparangalan natin ang Diyos kung natatanggap natin ang kapahingahang regalo ng Diyos. Rest din pag may time.

Panalangin

Aking Diyos Ama, turuan at tulungan Mo akong makapahinga. Ang kapahingahan mo ang pumawi sa lahat ng mga kapaguran ko. Nais kong mapagmasdan at ma-appreciate ang Iyong mga gawa at maging ang aking pagsunod sa Inyo.

We love you, in Jesus. Amen.  

Pagnilayan:

The Bible in 1 year: Matthew 7-8

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions