September 1, 2023 | Friday

Ang Hangad Kong Tulong Ay Kay Yahweh Magmumula

Today's verse: Psalm 121:1-2 (MBBTag)

1Do'n sa mga burol, ako'y napatingin — sasaklolo sa akin, saan manggagaling? 2Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.


Read: Psalm 121 

Sa lahat ng pwedeng pagpilian ng tao na pwdeng panggalingan ng tulong, si LORD ang best choice. 


Ang manunulat ng Awit 121 ay nangangailangan ng tulong o saklolo. Sa kanyang pagtanaw sa kapaligiran, napansin niya ang ‘mga burol’. Sa mga burol na kanyang napansin, ay ang burol ni Yahweh ang napili niyang pagmumulan ng tulong na kanyang hangad at kakailanganin. Alam ng mang-aawit na si Yahweh ang Diyos na lumikha ng langit at ng lupa. Si Yahweh ang kakaiba sa lahat!


Interesting na ‘burol’ ang unang napansin ng manunulat ng Awit 121. Ang burol sa Old Testament ay kadalasang sumisimbolo sa pook ng Diyos o mga diyos (o spirits na sinasamba). Pinaparating sa atin ng manunulat ng Awit 121 na may ibang mga diyos na pwedeng pagpilian. Ngunit si Yahweh lamang ang nag-iisang Diyos na lumikha ng langit at lupa. Ito ang choice na dapat nating gawin: Ang Panginoong Diyos ay sambahin at paglingkuran natin . Anumang bagay, o mga tao, o mga espiritung nilalang ang ating pwedeng pagpilian, si Lord Jesus Christ lamang ang ating sambahin at paglingkuran. Sila mang lahat ay naghahangad na maging diyos ng ating buhay, ang Panginoon Jesus pa rin ang pagmumulan ng ating tulong na hangad.


Piliin natin si Yahweh. Ang nag-iisa at tunay na Diyos na may lalang ng lahat ng nilikha -- nakikita at di nakikita. Kilalanin natin ang tunay na LORD. Huwag tayong palinlang sa mga nagnanais na maging diyos-diyosan ng buhay natin. Sambahin natin ang Panginoon Diyos. Sambahin at paglingkuran natin si Jesus Christ. Siya ang Diyos na nagkatawang tao. Sambahin at paglingkuran Siya ng buong katapatan. Siya ang pinanggagalingan ng tulong na ating hinahangad.

Panalangin

Aking Diyos Ama, ikaw ang tunay na Diyos na lumikha ng lahat dito sa lupa at sa langit man. Gusto ko po Kayong makilala. Bukod sa pagiging Creator, ikaw din ang aking Savior. Ikaw din ang aking Lord. Sa Iyo nanggagaling ang mga tulong na aking hangad dito sa aking buhay. Pagpalain mo ako. Iligtas mo ako. Ikaw ang aking Diyos, Panginoon, at tagapagligtas.

Ikaw ang aking Panginoong Jesus. Amen.  

Pagnilayan:

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions