September 2, 2023 | Saturday
SAPAGKAT MAY MALASAKIT ANG DIYOS SA ATIN
Today's verse: 1 Peter 5:7 (MBBTag)
Ipagkatiwala ninyo sa Kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat Siya ay nagmamalasakit sa inyo.
Read: 1 Peter 5
Ang malasakit ng Diyos ay higit pa sa anumang alalahanin sa buhay mayroon ang Kanyang mga anak.
Nang sabihin ni Apostol Pedro na ang Diyos ay may malasakit sa mga nananampalataya sa Kanya, nais niyang iparating na ang alalahanin natin ay nasa isipan na ng Diyos. Alam na alam na ito ng Diyos. Kaya binanggit din ni Pedro na ang believer ay nararapat na ipagkatiwala niya sa Diyos ang kanyang mga alalahanin sa buhay. Kapansin-pansin na hindi itinatanggi o binabalewala ni Pedro ang alalahanin ng mga sinaunang mananampalataya. Ang ginagawa pa niya ay ang pagbibigay ng ‘validation’ sa alalahanin na meron ang kanyang kausap.
Pansin ng Diyos ang ating mga alalahanin. Alam Niya kung saang area ng buhay tayo hirap. Alam Niya ang bawat detalye. Ang ating mga pangangailangan ang pinakamadalas nating alalahanin. Kaakibat nito ay may gustong mapatunayan ang Diyos “sapagkat siya ay nagmamalasakit” para ating kalusugan, sa ating kaingatan, ating mga materyal na pangangailangan, at maging sa ating maayos na kalalagayan. May malasakit ang Diyos sa mga tao. Mas higit pa ang malasakit ng Diyos sa Kanyang mga anak.
Ngayon ay may panawagan sa atin: Magtiwala tayo sa Diyos at ipagkatiwala natin sa Diyos ang ating mga alalahanin sa buhay. Imbis na tayo ay mag-worry, tayo ay mag-worship. It’s a matter of focus. Kumbaga, kung saan ka naka-focus, yun ang mas lumalaki sa iyong pananaw. Kung sa problema ka naka-focus, lumalaki ang problema. Kung sa Diyos tayo naka-focus, mas nagiging totoo ang Diyos at ang Kanyang kapangyarihan. At 'di lang natin naiisip ang Kanyang malasakit. Bagkus, ramdam din natin dahil natutunghayan natin ang bunga ng malasakit sa atin ng Diyos. Hindi mo kailangang balewalain ang iyong alalahanin. Kundi, ito ay iyong dalhin sa Diyos at ipagkatiwala sa Kanya. God has everything that we need.
Panalangin
Aming Diyos Ama, marami po akong alalahanin sa buhay. Madalas pilit na pumapasok sa aking puso at kaisipan ang mag-worry na lang. Patawarin mo ako lalo sa mga pagkakataon na mas malaki sa aking pananaw ang mga problema. Ngayon, turuan Mo po akong buong pusong magtiwala sa Iyo. Nais ko ring ipagkatiwala sa Iyo ang aking ang mga alalahanin sa buhay.
Sambahin at paglingkuran ka. Sa pangalan ni Jesu-Kristo, Amen.
Pagnilayan:
Anu-ano ang iyong mga alalahanin sa buhay?
Bakit nakakapag-paalala ang mga alalahanin sa buhay?
Papaano natin mas magagawa na magtiwala sa Diyos?
Papaano ipagkatiwala sa Diyos ang ating mga alalahanin?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions
(Kung si Yahweh ang best choice na panggagalingan ng mga tulong aking kailangan, papaano ko Siya sasambahin at paglilingkuran?)
September 1, 2023