September 5, 2023 | Tuesday
Magkaisa Sa Pananalangin
Today's verse: Ephesians 6:18 (FSV)
Palagi kayong manalangin ng lahat ng uri ng panalangin at paghiling sa pamamagitan ng Espiritu, at sa bagay na ito'y maging mapagbantay kayo at patuloy na magsumamo para sa lahat ng mga banal.
Read: Ephesians 6
May napapanahong panawagan sa mga believers na sama-samang manalangin.
Si Apostle Pablo ay may malalim na pakiusap sa mga mananampalataya na magpatuloy sa pananalangin. Sa paraang napaka-creative, tatlong beses niyang inulit-ulit ang paghimok na manalangin: manalangin ng lahat ng uri ng panalangin, maging mapagbantay kayo, at patuloy na magsumamo. Lahat ng ito ay joint effort. Higit sa pang-isahan ay ang maramihan na mga kapatiran ang hinihikayat ni Pablo. May kinalaman dito ang connection ng mananampalataya sa Holy Spirit, ang katatagan ng mga mananampalataya, at ang concern ng bawat mananampalataya para sa kapwa mananampalataya.
Ang panalangin ay sagradong gawain ng bawat follower ni Jesus Christ. Ito ay isa sa mga non-negotiable. Tayo bilang mananampalataya ay may napakatinding pribilehiyo na manalangin sa Diyos. Nakasisiguro tayo na ang Diyos na lumikha ng langit at lupa ay siguradong nakikinig. Ito ay dahil sa ating pakikiisa kay Cristo. Ito rin ay dahil sa presensiya ng Holy Spirit sa bawat mananampalataya, Idagdag pa natin ang ating genuine concern sa kalalagayan ng ating kapwa believer.
Manalangin. Gawin nating itong regular. Ibig sabihin ay may time at may location. Sadyain at maging intentional. Huwag balewalain o maliitin ang prayer. Kailangan natin ito. Siguradong palagiang may nangangailangan ng iyong panalangin. Makiisa sa grupong pananalangin dahil sa ating pagsasama-sama ay mas napapalakas ang epekto ng pananalangin. Ipromote natin ang unity in praying together in the Spirit for all the living saints.
Panalangin
Aming Diyos Ama, salamat sa paalala ng Iyong Salita na kami na iyong mga anak ay palagiang manalangin. Patawarin mo ako sa aking kakulangan sa mga pananalangin. Turuan mo akong makiisa sa pananalangin kasama ang aking kapwa mananampalataya. Pagkaisahin mo kaming mga anak mo sa pananalangin sa Espiritu.
Purihin ka Panginoong Jesus. Amen.
Pagnilayan:
Ano ang kahulugan ng “panalangin at paghiling sa pamamagitan ng Espiritu”?
Papaano kaya mas mapro-promote sa church ang “unity in praying together in the Spirit for all the living saints”?
Ano ang kaibahan ng personal prayer ng group prayer?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions
(Kung si Yahweh ang best choice na panggagalingan ng mga tulong aking kailangan, papaano ko Siya sasambahin at paglilingkuran?)
September 1, 2023