September 8, 2023 | Friday

Ang Mental Health At Ang Bunga Ng Espiritu

Today's verse: Galatians 5:22-23 (MBBTag)

22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.


Read: Galatians 5

May mga kayang ibigay ang Holy Spirit na makakapagbigay sigla, kahulugan, at mabuting layunin sa ating mga buhay.


Inilista ni Apostol Pablo ang mga traits o pag-uugali na bunga ng pagkakaroon ng kaugnayan ng isang tao sa Holy Spirit. In context, ipinapaliwanag din ni Pablo na salungat ang pamumuhay ng taong makamundo (v.19ff). May sadyang malaking kaibahan sa pamumuhay sa espiritu sa pamumuhay ayong sa ating sariling kagustuhan lamang. Sa salaysay ni Pablo, itong bunga ng Espiritu Santo ay walang anumang batas pwedeng kumalaban.


Sa panahon ngayon na importante ang mental health, ang Bible ay palagiang may sagot. May awareness na ibinibigay sa atin mgayon ang Diyos. Napakalaking tulong sa mga tao ang bunga ng Espiritu Santo kung pag-uusapan ang pagiging ‘mentally healthy’. Kaya ang topic ng mental health ay may 'say' ang Bible. Dapat ngatin itong pakinggan at unawain. Napakalaki ng tulong na magagawa ng pagiging connected sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus Christ at sa Holy Spirit. This is not religiosity. This is real talk. May mga kayang ibigay ang Holy Spirit na makakapagbigay sigla, kahulugan, at mabuting layunin sa ating buhay. Kadalasan, ang unang babaguhin ng Holy Spirit ay hindi ang ating situation o kalalagayan. Ang unang babaguhin ng Diyos ay kalooban muna natin. Sa ganitong pananaw, ang pagiging mentally healthy ay natural na nanyayari.


Maging mapagmahal. Maging mapayapa. Huwag patulan ang problematic situations natin. There is a better way laban sa mga negatibong nangyayari sa ating kalooban o sa ating paligid. Again huwag patulan ang ating problematic situation. Ang pagbabago ay mula muna sa ating kalooban. Never na long lasting ang kapayapaan na nagmula sa labas. Payagan natin ang Holy Spirit na baguhin ang kalooban natin. 

Panalangin

Aking Diyos Ama, salamat sa Holy Spirit. Salamat dahil available ang ‘fruit of the Holy Spirit’ sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus Christ. Ngayon, pinayagan ko ang Holy Spirit na baguhin ang kalooban natin. Naniniwala din ako na kung taglay ko at naisasapamuhay ko ang ‘fruit of the Holy Spirit’, ako ay nagiging blessing sa aking sarili at sa aking friends and relatives.

Ikaw ang aking Panginoon. In Jesus’. Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Matthew 15-16

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions