September 12, 2023 | Tuesday
Matutong Umibig Sa Diyos
Today's verse: 1 John 2:15-16 (MBBTag)
15 Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. 16 Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.
Read: James 1
Si Apostle John ay nagpahayag ng katotohanan na ang Diyos ay nagpapatawad ng kasalanan. Ang Diyos din ay naggagawad ng paglilinis sa nagkasala. Yan ay matapat at matuwid na tugon ng mapagpatawad Diyos. Kapag may pag-amin ng pagkakasala at kapag may pagpapahayag ng nagkakasala, nagiging mas makatotohanan ang tugon ng Diyos na matapat at matuwid na pagpapatawad at paglilinis. Napakalinaw ng mga ito sa Biblia.
Aminin natin na tayo’y nagkasala. Hindi natin dapat na dayain ang ating sarili. Hindi rin dapat na ikahiya. Huwag ding ituro natin ang ibang tao na makasalanan. Dinadaya natin ang ating sarili kapag ako’y pagmamalinis. Walang pakinabang kung magmamalinis. Ang kailangan ay magkaroon tayo ng realization na tayo’y nagkasala. Tayo ay magpakumbaba. Kung tayo’y magpapakumbaba at ipapahayag natin ang ating mga kasalanan, may pangako ang Diyos na siguradong tutuparin Niya – tayo ay patatawarin at lilinisin sa ating mga kasalanan as if hindi tayo nagkasala. Posible ba itong mangyari? Yes! May pangako sa Biblia na tayo ay patatawarin at lilinisin sa anumang kasalanan. Iyo ay kung ay totoong aaminin natin at ipahahayag natin.
Kailangang magpakumbaba tayo sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapahayag ng ating kasalanan. Ibig sabihin ay pangalanan natin ang mga kasalanan. Pansinin na hindi lamang paghingi ng pagpapatawad. Bagkus dapat ay may pagpapahayag natin ng pagkakasala natin. Huwag nang magturo ng iba. Yan ang ating part. Ang part ng Diyos ay ang magpatawad at ang maglilinis ng anak Niyang nagpapahayag ng pagkakasala. Tara! Tanggapin ang pagpapatawad at paglilinis sa atin ng Diyos.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, kailangan ko ang iyong pagpapatawad at paglilinis sa aking buhay. Tulungan mo akong iwaksi ang aking mga kasalanan. Bigyan mo po ako ng mapagpakumbaba na pagkatao. Umaamin sa aking mga pagkakasala. Nais ko pong matamasa ang pagiging malapit sa iyong puso at kalooban. Gawin mo akong mapagpakumbaba at malinis sa iyong harapan.
Ikaw ang aking Panginoon. In Jesus’. Amen.
Pagninilay:
Papaano natin masisigurado na tayo ay pinatawad na ng Diyos?
Papaano dinadaya ng tao ang kaniyang sarili?
Anong mahalagang pag-uugali meron sa pag-amin natin sa ating pagkakasala?
Paano ko malalaman na tinanggap ng Diyos ang aking paghingi ng tawad?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions