September 15, 2023 | Friday
Bunga Ng Tamang Spiritual Diet
Today's verse: 1 Peter 2:2-3 (MBBTag)
2Gaya ng sanggol, kayo'y manabik sa dalisay na gatas na espirituwal upang lumago kayo tungo sa kaligtasan, 3 sapagkat “Naranasan na ninyo ang kabutihan ng Panginoon.”
Read: 1 Peter 2
Ang spiritual maturity ay hindi automatic. Ito ay bunga ng tamang spiritual diet.
Inihalintulad ni Apostle Pedro ang paglago tungo sa kaligtasan sa isang sanggol na nananabik sa gatas. Ang paglago na ito ay may pinatutunguhan. Alam ni Pedro na ang kanyang mga sinulatan ay mga Kristiano na naranasan na ang kabutihan ng Diyos. Alam din ni Pedro ang mga ito ay kailangan pa ng gabay. Bilang pagtulong sa kanila, kanyang ginamit ang salitang “manabik”. Gusto niyang ma-imagine ng kanyang mga nasasakupan na sila ay may dapat patunguhan. Para mapuntahan ang patutunguhang paglago ay kailangan ng pagkain.
Mayroong tamang spiritual diet. Ang Kristiyanong lumalago ay siguradong meron tamang spiritual diet. Tayo bilang mga Kristiyano ay dapat na may pananabik sa spiritual na pagkain. Sa kalagayan ng mga Kristiyanong kausap ni Apostle Pedro ayon sa 1 Peter 2:2, sila'y mga bago pa lamang kaya ang ginamit na analogy ni Pedro ay gatas na dapat nilang panabikan. Kapag ang isang Kristiyano ay bago pa lamang sa kanyang pananampalataya, ang usual na tawag sa kanila ay “baby Christian”. Baby pa sila o bago pa lamang sa Panginoon. Kaya dapat ay “spiritual milk” pa lamang din ang ipinapakain. Kailangan manabik ang isang “baby Christian” sa “spiritual milk” dahil ito ay kailangan niya at ito pa lamang ang pagkain na kaya niya. Ang mga “baby Christian” ay mahigpit na nangangailangan ng buong pasensya paggabay ng mga “spiritually adult believers”.
Kung ikaw ay “baby Christian” pa, i-desire mong maging tama ang iyong “baby spiritual diet”. Kung ikaw naman ay “spiritually adult believers” na, ikaw ay nararapat nag-alaga na ng ilang mga “baby Christians”. Kapag nangyayari ang pagkakaroon ng tamang “spiritual diet” at tamang pangangalaga, mapa-”baby Christian” man o “spiritually adult believers” ay siguradong lalago tungo sa kaligtasan.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, ako man ay ”baby Christian” man o “spiritually adult believers”, tulungan at turuan mo akong maging healthy ang aking spiritual diet. Alam kong hindi automatic ang paglago. Nalalaman ko ngayon na ang spiritual na paglago ay bunga ng maayos na spiritual diet. Bless me po sa aking spiritual journey.
Ikaw ang aking Panginoon. In Jesus’. Amen.
Pagninilay:
Ang spiritual diet ay napakahalaga. Ano ang ibig sabihin ng spiritual diet?
Anu-ano ang mga pamamaraan para lumago ang isang "baby Christian"?
Ano ang kaibahan ng ”baby Christian” sa “spiritually adult believers”?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions