September 20, 2023 | Wednesday

Ang Tamang Tugon Sa Pagkabahala At Pagkahapis

Today's verse:  Psalm 43:4-5 (MBBTag)

4 Sa dambana mo, O Diyos, ako naman ay dudulog, yamang galak at ligaya ang sa aki'y iyong dulot; sa saliw ng aking alpa'y magpupuri akong lubos, buong lugod na aawit ako sa Diyos, na aking Diyos! 5 Bakit ako nababahala, bakit ako nahahapis? Sa Diyos ako ay aasa at sa kanya mananalig. Muli akong magpupuri sa Diyos ko't Tagapagligtas, itong aking pagpupuri sa kanya ko ihahayag!


Read: Psalm 43

Ang realization sa buhay ay napangyayari ng mainam sa mga pagkakataon ng pagdulog sa Diyos.


Malakas ang loob ni Haring David na tanungin ang kanyang sarili kung bakit siya nababahala at kung bakit siya nahahapis. Nagawa ni Haring David ma tanungin ang kanyang sarili ng ganito nang siya ay nagkaroon ng realization. Na-realize ni David na siya ay may lungkot at siya ay may lumbay. Naitanong ito ni David sa pagkakataon na kung saan siya ay nasa presensya ng Diyos. Nang siya ay dumulog sa dambana ng Diyos, nang siya nagpuri, at nang siya ay umawit sa Diyos. Doon niya naisipan tanungin ang kanyang sarili ng “Bakit ako nababahala, bakit ako nahahapis?” Siya na rin ang sumagot na siya ay aasa sa Diyos, mananalig sa Diyos, at muling magpupuri anuman ang kanyang kalalagayan.


May tamang tugon sa mga lowest moments natin. May tamang tanong na mabubuo kung tayo ay dudulog sa Diyos. Hindi kayang tugunan ng maling pananaw at lalo na ng maling pag-uugali ang ating mga problema. Last resort man ng iba ang pagdulog sa Diyos ng may awit at pagpupuri, ito ay pangunahing gawi ng mga tagasunod ni Jesus Christ. Tayo ay palagiang may panawagan na lumapit sa Diyos, manatili sa presensya Niya na hindi nagmamadali. 


Dalin natin sa Diyos ang anumang hapis at pagkabahala natin. Kailangan natin lumapit at magbabad sa Diyos. May kayang ibigay sa atin ang Diyos kung tayo ay dudulog at mananatili sa Salita at sa kalooban Niya. Ang ibig sabihin ay yun bang ine-enjoy mo ang Diyos bilang Diyos … bilang Siya. Yung hindi ka bored kundi sabik ka sa paglapit sa Kanya. Yun hindi ka nagmamadali na tapusin ang pagtatagpo mo sa Diyos. Maging excited at mag-enjoy sa buhay kasama ang Diyos.

Panalangin:

Diyos Ama sa langit, may pagkabahala at pagkahapis na pilit akong inilalayo sa iyo ng may galak at may awit. Anuman ang problema at mga pagsubok, aasa ako sa Iyo, mananalig ako sa Iyo, magpupuri ako sa Iyo. 

In Jesus’ Name. Amen. 

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Mark 1-2

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions