September 30, 2023 | Saturday
Labanan Ang Kabalisahan
Today's verse: Philippians 4:-6-7 (MBBTag)
6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Read: Philippians 4
Ang kabalisahan ay kayang labanan ng panalanging may pasasalamat.
Hindi naging mahirap kay Pablo na magsabi sa mga taga-Filipos na sila dapat ay huwag mabalisa. Kahit na siya ay nasa kulungan, isulat ni Apostle Pablo ang sulat na ito para ang mga taga-Filipos ay manalangin ng taimtim. Ang nilalaman ng sulat ay paghikayat sa mga tao na sumunod kay Kristo ng may tamang attitude. Bagamat nakakakulong dahil sa pagtuturo ng Salita ng Diyos, sinabi ni Pablo na manalangin ng may pasasalamat upang matanggap ang kapayapaan ng Diyos. Kayang-kaya na ingatan ng kapayapaan ng Diyos ang puso at isipan ng mga nakipag-isa kay Kristo.
Ang kabalisahan ay pinahihina ang ating relasyon sa Diyos. Ito ay dahil mas nakatuon tayo sa mga problema kesa sa Diyos. Kapag ang isang mananampalataya ay nagsimulang nanalangin, may miracle na inihahanda ang Diyos. Isa sa mga miracle na iyon ay ang mapag-ingatan ang ating puso at isipan laban sa kabalisahan sa pamamagitan ng kapayapaan ng Diyos.
Manalangin at labanan at kabalisahan. Magpasalamat sa Diyos hindi dahil payapa na ang kapaligiran. Kundi, manalangin ng may pasasalamat kasi may Diyos ka na pwedeng mahingahan at pwedeng mahingian. Anuman ang iyong kalalagayan, ipagkatiwala sa Diyos ang iyong puso’t isip. Kaya Niya itong ingatan. Mahal ka ng Diyos. Lumapit at makipag-isa kay Jesu-Kristo.
Panalangin:
Diyos Ama, ang lahat ng aking kabalisahan ay aking isinusuko sa Iyo. Wala akong laban dito. Sa aking taimtim na pananalangin, ang puso’t isip ko ay aking pinagkakatiwala sa iyong pag-iingat.
Maraming salamat, Panginoon. In Jesus’ Name. Amen.
Pagninilay:
Ano ang kabalisahan?
Bakit hinikakayat tayo ng Bible na manalangin ng may pasasalamat?
Papapano manalangin ng taimtim sa Diyos?
Naniniwala tayo na napakahalaga ng pananalangin. Ano ang iyong plano para maging regular ang iyong pananalangin?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions