September 29, 2023 | Friday
Ang Mainam Na Plano Ng Diyos
Today's verse: Jeremiah 29:11-13 (MBBTag)
11Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa. 12Kung maganap na ito, kayo'y tatawag, lalapit, at dadalangin sa akin, at diringgin ko naman kayo. 13Kapag hinanap ninyo ako, ako'y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin.
Read: Jeremiah 29
Ang malakas na feeling na mawalan ng pag-asa at kawalan ng direksyon ay napaglalaban kung ang plano ng Diyos ay ating malalaman.
Imagine na ikaw ay nasa ibang bansa. Pero hindi para magbakasyon kundi para makulong o maglingkod ng hindi malaya. Higit pa riyan ang naranasan ng mga Israelita nung panahon ni Jeremiah. Sila ay dinala sa ibang bansa para maging ‘exile’ dahil nasakop ang kanilang bansa ng mas malakas na bansa. Mas madaling isipin na wala nang pag-asa at halos walang direksyon na ang buhay.
Ang malakas na feeling na mawalan ng pag-asa at kawalan ng direksyon ay hindi kakaiba sa panahon natin. Maraming dahilan para huwag na tayong mangarap o kaya’y give up na lang. Pwede din go-with-the-flow attitude na lamang dahil bukod sa mga inner struggles na common na tao, nariyan din ang mga discouraging words, hopeless words, o di kaya’y angry words. Whatever, pwede din mag-try magplano. Pero katagalan, alam din naman natin na ang plano ng tao ay pansamantalang kaligayahan lamang ang hatid.
It’s time na umangat tayo mula sa mga pagkakalugmok na ito at magpatuloy ayon sa plano ng Diyos. Ilinya ang ating plano sa plano ng Diyos at hindi ang ilinya ang plano ng Diyos sa plano natin. Magkaiba ito. Kaya, alamin ang plano ng Diyos. Hindi malayo ang plano ng Diyos sa ating mga skills and talents. Maaari nga lang na opposite ang plano ng Diyos kumpara sa ating experiences. Ipagkatiwala ang iyong pangarap sa Diyos. Siya ang bahala magsaayos. Kilalanin ang Diyos. Tumawag sa Diyos. Hanapin Siya at matatagpuan Siya. Taos pusong ilapit ang iyong sarili sa Diyos. Higit sa lahat, umiwas na sa mga gawain at kaisipan na naglalayo sa iyo sa kalooban ng Diyos.
Panalangin:
Diyos Ama, salamat at may plano ka sa akin na higit na mas mainam. Gabayan mo ako sa aking buhay. Kalooban mo ang masunod. Gawin mong masunurin ang aking puso sa Iyong alituntunin at layunin para sa akin.
In Jesus’ Name. Amen.
Pagninilay:
Ano madalas ang kaibahan ng plano ng tao sa plano ng Diyos?
Papaano ko malalaman ang plano ng Diyos sa aking buhay tungo sa mas mainam na kinabukasan?
Anong mga maliliit na gawain ang pwede kong maumpisahan para mas mailinya ang aking buhay ayon sa plano ng Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions