October 19, 2023 | Thursday
Ang Di-Maarok na Karunungan at Mga Gawa ng Diyos
Today's verse: Job 9:10 (ASND)
Gumagawa siya ng mga kahanga-hangang bagay at mga himalang hindi kayang unawain at bilangin.
Read: Job 9
Sa gitna ng anumang pagsubok ay maaaring makilala ang hindi maarok na karunungan ng Diyos.
Inihayag ng aklat ni Job ang karanasan ng tao sa pagdurusa at kahirapan. Si Job, isang lalaking puno ng pananampalataya, ay naghanap ng mga sagot at pang-unawa sa gitna ng hindi maipaliwanag na mga pagsubok. Binibigyang-diin ng Job 9:10 ang walang hanggang karunungan ng Diyos at ang Kanyang makapangyarihang mga gawa. Si Job sa gitna ng kanyang mga pagsubok ay kinilala ang hindi maarok na karunungan ng Diyos. Nauunawaan niya na ang mga paraan ng Diyos ay lampas sa pagkaunawa ng tao.
Ang karunungan ng Diyos ay hindi natin kayang lubos na unawain. Bilang tao, madalas nating hinahangad na maunawaan ang mga dahilan sa likod ng ating pagdurusa at mga pagsubok na ating kinakaharap. Gayunman, ang mga salita ni Job ay nagpapaalala sa atin na may mga bagay sa buhay na hindi natin kayang unawain.
Ang pagkilala ni Job sa "mga dakilang bagay na hindi pa natutuklasan" ay nagpapaalala sa atin ng kalawakan ng sansinukob at ng mga masalimuot na paglalang. Mula sa kagandahan ng kalikasan hanggang sa pagiging kumplikado ng buhay, ang mga gawa ng Diyos ay lampas sa kakayahan nating umunawa. Ang "mga himalang na hindi mabilang" at ang pagkalinga ng Diyos sa ating mga buhay at sa ating kapaligiran. Ang mga ito ay nagpapaalala sa atin ng aktibong pakikilahok ng Diyos sa ating buhay, kahit madalas na hindi natin nauunawaan ang Kanyang mga paraan. Kapag napapaharap sa pagdurusa at paghihirap, maaaring maging mahirap na panatilihin ang ating pananampalataya. Hinihikayat tayo ng mga salita ni Job na magtiwala sa karunungan ng Diyos, kahit na hindi natin nakikita ang Kanyang plano.
Panalangin:
Ama naming banal, kami po ay lumalapit sa inyo, na kinikilala ang kadakilaan ng Iyong karunungan at ang mga himala ng Iyong mga gawa. Kinikilala namin na may mga bagay na lampas sa aming pang-unawa, ngunit nakatagpo kami ng kapanatagan ng loob dahil alam naman na Kayo po ang may kontrol ng lahat.
Inilalagay namin ang aming tiwala inyong kapangyarihan at karunungan. Sa ngalan ng aming Panginoong Hesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang itinuturo sa atin ng Job 9:10 tungkol sa karunungan ng Diyos at sa Kanyang kamangha-manghang mga gawa?
Paano natin mailalapat ang konsepto ng pagtitiwala sa di-maunawaang karunungan ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay, lalo na sa panahon ng kawalan ng katiyakan?
May naaalala ka ba na personal na karanasan o mga halimbawa kung saan ang pagtitiwala sa karunungan ng Diyos, gaya ng binanggit sa Job 9:10, ay nagbigay ng patnubay at kapanatagan sa iyo?
Written by: Victor Tabelisma
Read Previous Devotions