October 23, 2023 | Monday
Lumapit Sa Panginoong Jesus
Today's verse: Matthew 11:28-29 (FSV)
28 Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagod at may mabigat na pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. 29 Ang aking pamatok ay inyong pasanin, at kayo'y matuto sa akin, sapagkat ako'y maamo at may mapagpakumbabang puso, at matatagpuan ninyo ang kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.
Read: Matthew 11
May panawagan ang Panginoong Jesu-Kristo na lumapit sa Kanya ang mga taong may anxiety and depression.
Ang New Testament ay maraming lathala o naisulat na mga sinabi at ginawa ni Jesus. Naka-record ang mga ito sa Gospels o ang mga aklat ng Matthew, Mark, Luke & John. Isa sa mga nasulat sa Biblia ay ang paghimok ni Jesus sa mga tao na lumapit sa Kanya ang “lahat na napapagod at may mabigat na pasanin”. Ang paanyaya na ito ay napaka-espesyal sa kadahilanang nakapaloob dito ay ang pangako ng kapahingahan. Alam ni Jesus ang bumabagabag na mga alalahanin sa damdamin ng mga kababayan Niyang walang kapayapaan. Ang pangakong kahingahan ay siguradong tutuparin ni Jesus.
Itong verses ng Matthew 11:28-29 ang isa sa mga verses na nababagay sa usapin ng mental health. Ang issues ng anxiety and depression ay malinaw na tinutukoy ni Jesus gamit ang ibang mga pananalita. Ang damdamin na “napapagod at may mabigat na pasanin” ay katulad din ng anxiety and depression. Maingat na tinutugon ni Jesus ang mga taong may ganitong issues. Nais na pawiin ni Jesus ang issues ng ating buhay. Nais ng Diyos na pawiin sa atin ang malalim na kalungkutan, pagkabalisa, kawalan ng kapayapaan, takot, depression, o anupamang katulad nito.
Lumapit sa Diyos. Dalin ang iyong malalim na kalungkutan, pagkabalisa, kawalan ng kapayapaan, takot, o depression, atbpa. Makakatulong din ang pakikipag-usap sa mas mature na Kristiyano para mapakinggan ka. Maghayag sa kanya ng iyong saloobin. Tumanggap ng payo. Take responsibility sa iyong mga nagawa. Maging sapat ang iyong maturity para magawa mo ang mga nararapat na gawin. Ikaw na may katawan ay may unang responsibilidad na iayos ang mga bagay-bagay sa iyong buhay. May pag-asa pa sa buhay.
Panalangin:
Mahabaging Diyos Ama, aking ibibigay sa Iyo ang anumang bumabagabag sa aking damdamin, May maliit o malaking mga kadahilan kaya ako ay nalulungkod at minsan ay nawiwindang. Tulungan mo ako sa aking sitwayon. Ilapit mo ako sa taong mapagkakatiwalaan at makakatulong sa akin para ako ay mas magabayan. Bigyan mo ako ng mapagpakumbaba at natuturuang puso.
Sa pangalan ng Panginoong Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ayon sa Matthew 11:28, ano ang kalalagayan ng mga tinatawagang pansin ni Jesus na lumapit sa Kanya?
Ano ang katapat sa Biblia ng mental health issues na “anxiety and depression“?
Papaano makatutulong ang panawagan ni Jesus sa mga may malalim na kalungkutan, pagkabalisa, kawalan ng kapayapaan, takot, depression, o anupamang katulad nito?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions