October 26, 2023 | Thursday
Ang Higit Pang Kagalakan Sa Langit
Today's verse: Luke 15:4,7 (FSV)
4“Sino sa inyo na may isandaang tupa at mawala ang isa, ang hindi mag-iiwan sa siyamnapu't siyam sa ilang at maghahanap sa nawala hanggang ito'y matagpuan? … 7Sinasabi ko sa inyo, sa gayunding paraan, magkakaroon ng higit pang kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisi kaysa siyamnapu't siyam na matutuwid na hindi nangangailangan ng pagsisisi.”
Read: Luke 15
Ang pag-akay kahit sa isang tao lang tungo sa pagsisisi ay magdadala ng higit pang kagalakan sa langit.
Maraming talinghaga na nakwento si Jesus. Ang talinghaga na ito sa Luke 15:3–7 tungkol sa panunumbalik ng isang taong makasalanan ay ‘unique’. Ang talinghaga ay ‘unique’ kasi iiwanan ang siyam napu't siyam para sa isa. Ang pastol sa talinghaga ay iiwanan sa ilang ang siyam napu't siyam para hanapin hangan matagpuan ang isang naliligaw. Sinagot din ni Jesus kung bakit iiwanan ang siyam napu't siyam para sa isa: Ang isang naligaw na tupa at nakapanumbalik ay ang isang taong makasalanan na nagsisi.
Tayo ay hinihikayat na maging daan ng tunay na pagsisisi kahit ng isang taong makasalanan. Katulad ng nangyari sa iba na nanumbalik sa Diyos dahil may nagshare sa kanila ng mabuting balita, ang mga tao ding iyun na nagawang magsisi sa kasalanan ay dapat hikayatin din ang iba pang tao na magsisi – kahit paisa-isang tao lang. Isipin natin palagi na may mga masamang epekto ang pagiging ligaw o malayo sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang dalahin na dapat sinusunod ng isang tunay na Kristiyano.
Kahit paisa-isa, ibahagi ang Salita ng Diyos sa mga taong naliligaw ng landas. Kahit paisa-isa, hanapin at panumbalikin ang mga naliligaw tungo sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kahit paisa-isa, hikayatin silang magsisi sa kanilang kasalanan. Kahit paisa-isa, tayo ay magkwento ng pagbabago na ginawa ng Diyos sa atin nung tayo ay magsisi sa ating mga kasalanan.
Panalangin:
Diyos Ama, gamitin mo ko para panumbalikin ang mga taong makasalanan sa pamamagitan ng pagsisisi. Kahit paisa-isa lang ay maabot ko sila at mabahaginan ng Salita ng Diyos at mahikayat na magsisi. Bigyan mo ako ang lakas ng loob na mag-share. Bigyan mo ako ng mga tamang salita na sasabihin.
Maraming salamat, Panginoon. In Jesus’ Name, Amen.
Pagninilay:
Bakit ‘unique’ ang talinghaga na ito sa Luke 15:3–7?
Ano ang tunay na pagsisisi?
Papaano natin magagawa na hanapin at matagpuan ang isang naliligaw?
Sinu-sino ang mga kaibigan o kamag-anak mo na pwede mong simulang ipanalangin para magsisi at manumbalik sa Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions