October 30, 2023 | Monday

Si Kristo Ang Pag Asa Sa Kaluwalhatian

Today's verse: Colossians  1:27 (ASND)

Nais ng Dios na ihayag sa atin ang dakila at kamangha-mangha niyang plano para sa lahat ng tao. At ito ang lihim na plano: Si Cristo ay sumasainyo at ito ang basehan ng pag-asa ninyo na inyong makakamtan ang napakabuting kalagayan sa hinaharap. 


Read: Colossians 1

Kay Kristo lamang matatamasa ang tunay na pag asa. Siya ang Dakila at kamangha manghang Plano ng Diyos, itinago sa matagal na panahon ngunit ipinahayag Niya sa ngayon. 


Sinasabi ni Pablo sa mga Taga Colosas na ang Diyos ay may sekretong plano na ihahayag sa kanyang mga anak. Isang lihim na plano na puno ng kadakilaan at mga kamangha-manghang mga bagay na malalasap ng mga sumasamba at naglilingkod sa Kanya. Ang planong ito ng Diyos ay napakahalaga sa ating kaligtasan at kinabukasan. Sinasabi ni San Pablo na si Kristo ay sumasakanila. Si Jesus ang pag-asa sa kaluwalhatian. Ang basehan ng pag-asa na makakamtan ang napakabuting kalagayan sa hinaharap.


Sa panahon natin ngayon, kita natin ang kaliwa’t-kanang problema. Kahit saang anggulo at lugar mo ibaling ang iyong paningin may hindi kaaya-aya na mga sitwasyon. Ang katotohanan ay hindi mo matatagpuan mula sa mundo o mula sa tao. Kay Kristo mo lang matatagpuan ang kapayapaan, kalutasan, kaligtasan at pag-asa. Siya lamang ang tunay na kasiguruhan ng kinabukasan ng mundo at ng mga tao. May kasiguraduhan ang buhay dahil kay Kristo. 


Ibigay natin sa Diyos sng sting mga problema sa pamamagitan ng pagsuko ng anumang dalahin natin. Hayaan natin na ang Banal na Espiritu ang kumilos sa ating buhay. Lumago tayo at umunlad sa Salita ng Diyos upang sa gayon maging sandata natin ito sa bawat hamon ng buhay. Paglaanan natin ng panahon ang ating devotionals. Hindi lamang dahil required, kundi isang matapat na pakikipag-ugnayan natin sa Diyos. Alagaan natin ang ating pag asa na ipinahayag sa atin ng Diyos. 

Panalangin:

Oh Diyos sinusuko ko po ang aking mga pasanin at mga alalahanin na madalas hadlang sa aking paglago. Kunin Niyo po ito at palitan Niyo po ng isang mainit at palagiang encounter sa Iyong Banal na Espiritu. 

Salamat po sa Pangalan ng Panginoong Jesus, Amen. 

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Acts 10-12

 Written by: Miguel Amihan, Jr

Read Previous Devotions