November 20, 2023 | Monday

Ituon Lamang Kay Hesus Ang Iyong Paningin

Today's verse:  Hebrews 12:2 (ASND)

Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang sandigan ng pananampalataya natin mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Dios.


Read: Hebrews 12

Kung itutuon natin ang ating pansin Kay Jesus, mararanasan natin sa simula hanggang katapusan ang sandigan ng ating pananampalataya. Mararanasan din natin ang kaligayahang dumadaloy bunga ng Kanyang halimbawa ng pagtitiis.


Ang Hebreo ay isinulat para sa mga mananampalatayang Judio na nasa panganib ng pagtalikod sa pananampalataya. Hinihikayat ng manunulat ang mga Judio na tumugon sa banta ng pag-uusig sa pamamagitan ng muling pagtatalaga sa katotohanang dala ni Jesus. Binigyang diin ng manunulat na ituon ng mga sinaunang Kristiyano ang pansin kay Jesus. Ito ay dahil siya lang ang sandigan ng matibay na pananampalataya. Siya ang kaunawaan ng pagtitiis at paghihirap at naging daluyan ng katagumpayan, kabutihan, at pagpapala ng Diyos.


Ang buhay Kristiyano ay hindi ganoon kadali. May iba't ibang sitwasyon at pagsubok. Minsan sumasagi sa isip natin na mag "give-up" na lang. Malamang dahil hindi natin nauunawaan ang kahulugan ng "ituon ang paningin Kay Hesus". Paano nga naman natin tingnan si Hesus na di naman natin nakikita. Ngunit hindi ito "mystery" sa mga Kristiyanong lumalago kahit dumadaan sa pagtitiis at pagsubok sa buhay. Nagkakaroon ito ng "sense" sa kanya dahil mas naauunawaan niya ang salitang "fix your eyes on Christ”. 


Isalarawan sa isip ang buhay ni Jesus. Hindi Niya ikinahiya ang pagharap sa krus, ang pagtitiis, at paghihirap. Itutok ang pansin Kay Hesus. Subaybayan ang Kanyang buhay. Sundin ang aral kahit sa panahon ng pagsubok. Hikayatin ang sarili. Manghikayat din ng iba na ituon ang pansin Kay Jesus. Gawin sentro si Jesus ng ating mga naisin, plano, at pananaw. Maging tapat sa paglilingkod sa Diyos. Magbigay oras sa pag-aaral ng Bibliya. Hingin sa Diyos na mahayag ang Kanyang sarili at kanyang Salita. Magpatuloy bilang mananampalataya kahit may mga pagsubok at pagtitiis sa buhay.

Panalangin:

Aking Ama, buong puso akong nagpapakumbaba at humihingi Sa iyo ng tulong para aking ituon ang aking pasin sa Panginoong Hesus. Sa kabila ng mga pagsubok, pagtitiis, at paghihirap, buksan Niyo po ang aking kaisipan para mauunawaan ko ang kapahayagan ng buhay at mga aral ni Jesus na nakasulat sa Bibliya. 

Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Romans 16

 Written by: Miguel Amihan Jr

Read Previous Devotions