November 21, 2023 | Tuesday
Pananabik Sa Diyos
Today's verse: Psalm 63:1-3 (ASND)
“O DIYOS, kayo ang aking DIYOS. Hinahanap-hanap ko KAYO. Nananabik ako sa INYO nang buong puso’t kaluluwa, Na tulad ng lupang tigang sa ulan. Nakita ko ang INYONG kapangyarihan. At kaluwalhatian sa INYONG Templo. Ang INYONG pag-ibig ay mahalaga pa kaysa buhay, Kaya pupurihin ko KAYO”
Read: Psalm 63
Ang patuloy na pananabik, uhaw at gutom sa PANGINOON ay lifestyle ng lumalagong mananampalataya.
Si David na siyang umawit ng Salmong ito ay isang lingkod ng DIYOS, sa Lumang Tipan siya ay tinaguriang: “A man after GOD’s own heart”. Siya ay naging hari ng bansang Israel. Ang pagliligtas ng PANGINOON ang kanyang inaasahan sa bawat digmaan, hamon, lungkot, at laban ng buhay. Bagama’t si David ay isang taong na malakas, makisig at madunong, hindi sya nahihiyang ipasaliksik sa DIYOS ang kanyang puso at aminin ang kanyang gutom at uhaw at pananabik sa DIYOS.
Ang tunay na buhay ay hindi lamang ang tagumpay sa mundong ito. Ito ay ang makamtam ang presensya ng DIYOS. Ang makamtan ang presensya ng DIYOS ang magbibigay excitement na laging lumapit sa DIYOS ng may pagpupuri, pasasalamat at pagsamba. Ang ating uhaw, gutom at pananabik sa DIYOS madalas ay natatabunanan ng ka-busyhan sa mga responsibilities sa pamilya, trabaho, pag-aaral, even sa church, at ng mga iba pang gawain. Ang akala natin na ang panunuod ng movie, series, paglalaro, pagsho-shopping, o pagkain ang makakapagpuno sa nararamdaman natin na kakulangan or emptiness. Higit sa anuman, ito pala ay ang makamtam ang presensya ng DIYOS.
Kung bibigyan panahon natin na mas isipin ang DIYOS, kung sino SIYA, ang Kanyang mga gawa, at kaluwalhatian, matatagpuan natin ang ating puso na uhaw at gutom sa Kanyang Presensya. Kung tayo rin ay magpapakumbaba na hintayin ang PANGINOON sa pagpuno ng ating gutom at uhaw, tulad ni David tayo din ay makakaawit ng mula sa puso: “Pasasalamatan ko KAYO habang ako’y nabubuhay. Itataas ko ang aking mga kamay sa paglapit sa inyo. Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog sa malinamnam na handaan At magpupuri ako sa INYO ng awit ng kagalakan”.
Panalangin:
PANGINOON, siyasatin Mo ang aking puso. Turuan Mo akong ituon sa Iyo ang aking atensyon at isip. Ibinibigay ko sa Iyo ang lahat ng aking kasalanan, pagkukulang, kahinaan, at kaguluhan sa puso at isipan. Tulungan Mo po akong ma-amin ang aking pangangailangan, gutom at uhaw sa IYO, punuin Mo ako PANGINOON ng Iyong Presensya. Walang makahihigit sa pagmamahal at pagliligtas Mo sa akin. Ikaw ang aking DIYOS at Sayo ako’y nanabik.
Sa Pangalan ni HESUS’ Amen.
Pagninilay:
Ikaw ba tulad ni David ay may pananabik sa DIYOS?
Saan at paano napupunan ang uhaw at gutom ng iyong puso?
Paano ba ang magkaroon ng patuloy na uhaw, gutom at pananabik sa DIYOS?
Written by: Analyn Crisostomo
Read Previous Devotions